Kumalat na impormasyon na nag-iimbak ng missile systems ang Amerika sa Pilipinas, fake news! 

Tinawag na fake news ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga kumakalat na ulat sa social media na sikreto umanong nag-iimbak ng missile systems ang Estados Unidos sa Pilipinas.

Ayon sa AFP, walang katotohanan at ebidensiya na naghatid ang C-17 Globemasters, isang US Military Transport Aircraft ng mga missiles sa bansa.

Pinasinungalingan din ng AFP ang mga kumakalat na litrato na hindi dapat basta paniwalaan ng publiko.


Bukod dito, itinanggi rin nila ang ulat na nasangkot ang isang US Navy Destroyer sa isang insidente sa Escoda Shoal at wala ring F-35s na nakabase sa Pag-asa Island.

Kasunod nito, umapela ang Sandatahang Lakas sa publiko na i-report sa mga kinauukulan ang mga anonymous sources na nagpapakalat ng maling impormasyon.

Facebook Comments