
Hindi totoo ang kumalat na impormasyon na magbibitiw bilang House Speaker si Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez.
Ito ang binigyang-diin ni dating Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na ngayon ay tagapagsalita ni Speaker Romualdez.
Ayon kay Barbers, walang rason para magresign si Romualdez lalo’t nananatiling matibay ang suporta para sa kanyang liderato ng mayorya ng mga kongresista.
Bunsod nito ay binigyang-diin ni Barbers na wala ring plano para palitan ang liderato ng Kamara.
Facebook Comments









