KUMALAT NA | Pangulong Duterte, nagbabala sa posibleng pag-atake mula sa mga bandido at teroristang grupo

Manila, Philippines – Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte nang pag-atake mula sa mga bandido at teroristang grupo.

Sa kaniyang talumpati sa Christmas party ng Malacañang Press Corps (MPC), sinabi ng pangulo na kumalat na sa ibang lugar ang mga planong aktibidad ng mga terorista kasama na ang paglulunsad ng pag-atake at pambobomba.

Kasabay nito, iginiit naman ni Duterte na hindi niya kaaway ang mga mamamahayag.


Mula nang maupo sa puwesto, ilang beses nang binira ng pangulo ang media dahil sa mga balita tungkol sa kaniya at sa kontrobersiyal na giyera kontra droga.

Nilinaw rin ng pangulo na normal lang ang pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan.

Facebook Comments