KUMALMA | Mga residenteng naapektuhan ng pag-alburuto ng bulkang Mayon, nakabalik na sa kanilang mga bahay

Albay, Philippines – Nakabalik na sa kanilang mga bahay ang mga residenteng lumikas dahil sa pag-alburuto ng bulkang Mayon.

Ito ay matapos ibaba sa alert level two ang estado ng bulkan.

Pinabaunan ang mga residente ng relief good na may lamang bigas at mga delata.


Una nang pinalikas ang mahigit 75,000 indibidwal o 13,000 pamilya dahil sa naging pag-aalbuturo ng bulkang Mayon.

Facebook Comments