KUMAMBYO | Lapeña – nakukumbinsi na raw na may lamang shabu ang mga nadiskubreng magnetic lifter sa Cavite

Manila, Philippines – Kumambyo ngayon si Customs Commissioner Isidro Lapeña matapos ang ilang beses niyang pagtanggi na may lamang shabu ang mga nadiskubreng magnetic lifter sa GMA, Cavite.

Sa pagdinig ng Kamara, sinabi ni Lapeña na nakukumbinsi na siya na posible nga na may lamang iligal na droga ang mga magnetic lifter.

Ito ay matapos raw niyang marinig ang naging testimonya ng DPWH na may lead content ang mga magnetic lifter na pwedeng makagulo sa kakayahan ng X-ray equipment at asbestos na proteksyon naman sa init.


Dahil dito, naniniwala si House Commission on Illegal Drugs Chairman Ace Barbers na may kuntsabahan kaya nakalusot ang shabu sa BOC.

Dumalo rin sa pagdinig kahapon si dating BOC x-ray inspection project Chief Ma. Lourdes Mangaoang na nanindigang shabu nauna nang nanindigan na shabu talaga ang laman ng mga magnetic lifter.

Facebook Comments