Manila, Philippines – Hindi na ituturing na terorista ang New People’s Army kung mapagkakasunduan na isulong muli ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Communist Party of the Philippines- New People’s Army -National Democratic Front of the Philippines o CPP-NPA-NDF.
Ito ang pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos ang pahayag kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na bukas siyang muling makipag-usap sa CPP-NPA-NDF.
Ayon kay Secretary Lorenzana, pabor siyang hindi na ikonsiderang terorista ang NPA pero kung hindi maisasakatuparan ang peace talks mananatiling terorista ang tingin nila sa NPA.
Paliwanag ni Lorenzana na hindi naman maganda kung itinuturing pa ring terorista ang NPA kahit may nagpapatuloy na peace talks.
Facebook Comments