KUMAMBYO | Speaker Alvarez, pumayag na palawigin pa ang paglilipat sa domestic operation ng mga airline companies sa Clark

Manila, Philippines – Kumambyo na si House Speaker Pantaleon Alvarez sa 45 days na deadline na ibinigay sa mga airline companies para ilipat ang mga domestic operations sa Clark.

Sa pagdinig ng House Committee on Transportation, pinagbigyan ni Alvarez ang pakiusap ng mga airlines at ng Manila International Airport Authority.

Mula sa dating apatnapu’t limang araw lamang, pinalawig na sa anim na buwan ang paglilipat sa domestic operation ng mga airline companies sa Clark mula sa NAIA.


Lahat ng mga airline companies na humarap sa pagdinig ay iisa ang posisyon na hindi kakayanin ang 45 days na paglilipat ng kanilang excess domestic flights.

Humihirit naman ang Cebu Pacific ng mas mahaba pang panahon na isang taon para sa paglilipat ng kanilang excess domestic flights dahil hindi ito kakayanin sa dami ng kailangan pang ayusin na pasilidad.

Sinuportahan naman ni MIAA General Ed Monreal ang mga airline companies at sinabing hindi talaga kayang gawin ito sa loob ng 45 days gaya ng naunang gusto ni Alvarez.

Facebook Comments