Kumander Derby patay mag- ina nito sugatan

Patay ang notoryos na kriminal sa North Cotabato at sinasabing responsable sa pagtakas ng higit isang daang inmates sa nangyaring Jail Break noong buwan ng January sa Amas District Jail.

Sa impormasyong nakuha ng RMN Cotabato mula kay Brgy Chairman Nestor Salama ng Batungkayo Datu Montawal, pasado alas nwebe ng pasukin ng di nakilalang lalaki ang pinagkukutaan ni Ismael Nasser Omar o mas kilala bilang Kumander Derby sa Sitio Kabag Brgy. Kilangan Datu Montawal Maguindanao.

Armado aniya ang lalaki ng high powered firearm at walang awang pinagbabaril si Kumander Derby habang natutulog resulta ng kamatayan nito, sugatan din sa insidente ang mag ina ng napaslang na kumander.


Sinasabing sangkot sa ibat ibang kaso si Derby ,tulad na lamang ng murder , frustrated murder at extortion, habang nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad. (DENNIS ARCON)

File Pic

Facebook Comments