Kumander ng MILF patay sa Ambush sa North Cotabato

Patay sa pananambang sa plantasyon ng sagingan sa Mlang North Cotabato ang isang Bangsamoro Islamic Armed Forces ng MILF kahapon ng umaga
Sa impormasyong ipinarating sa DXMY mula sa North Cotabato PNP Office, kinilala ang nasawing biktima na si 108th Base Commander Jun Pananggulon habang sugatan rin si Toto Magulayan.
Nagtungo lamang sa sagingan ang mga biktima sa bahagi ng Purok 3 Brgy Gaunan ng paulanan ng bala mula sa M14 at Carbine.
Malaki ang posibilidad na maaring may kinalaman sa away sa lupa ang nasa likod ng insidente ayon sa PNP.
Tukoy na rin ang mga nasa likod ng pamamaril ngunit nagpapatuloy ang ginagawang hot pursuit laban sa mga ito.

Facebook Comments