KUMIKILOS ANG PAMAHALAAN | Tulong ng gobyerno sa OFW na si Joanna Demafelis, pinuri ng CBCP

Manila, Philippines – Pinapurihan ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines ang naging hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng Overseas Filipino Worker na si Joana Demafelis.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrant and Itinerant People bukod sa pagkakadakip sa mag-asawang amo ni Demafelis na siya umanong pumatay at nagsilid sa freezer sa Kuwait ay maganda rin na inatasan ng Pangulo ang National Bureau of Investigation para habulin ang recruiter ng OFW.

Paliwanag pa ni Bishop Santos na mabuti rin na imbestigahan ang iba pang Recruitment Agency ng mga OFW na nakakaranas ng pang-aabuso sa ibang bansa.


Una na rito, nagpahayag ng suporta si Santos sa ipinatupad ng gobyerno na total deployment ban ng mga OFW sa Kuwait kasunod ng pagkakadiskubre sa bangkay ni Demafelis.

Ito aniya ay isang patunay na kumikilos ang pamahalaan para protektahan ang mga Pilipinong naghahanap -buhay sa ibayong dagat.

Facebook Comments