KUMILOS | Pamahalaang Lungsod ng Maynila, tutulungan ng DENR sa paglutas ng problema sa basura

Manila, Philippines – Kumilos na ang Department of Environment and Natural Resources at ang pamahalaang Lungsod ng Maynila upang malutas ang problema sa basura ng Lungsod.

Magpupulong sina Undersecretary Benny Antiporda, pinuno ng Solid Waste Management and Local Government Concerns ng DENR at Manila Mayor Joseph Estrada kung saan tatalakayin ang maayos na pagtatapon at paghakot ng basura.

Ayon kay Antiporda, magsasagawa ng segregation upang maisalang sa Recycling ang mga basurang maaari pang pakinabangan sa gayon ay mabawasan ang tone-toneladang basura na itinatapon ng mga residente ng Lungsod.


Ang hakbang ay sa inisyatibo ng DENR matapos na lumabas sa social and mainstream media ang matinding suliranin sa basura ng Maynila.

Facebook Comments