Manila, Philippines – Umaabot na lamang sa 3 libo at pitong raan ang bilang ng mga regular na miyembro ng New People’s Army.
Ito ang inihayag ni Armed Forces of the Philippine Spokesperson Brigadier General Bienvenido Datuin.
Aniya ang bilang na ito ay naitala nito pang nakalipas na buwan ng Disyembre ng nakalipas na taon.
Sa bilang na ito halos lahat ay nanatili o namomonitor ng AFP sa Eastern Mindanao habang ang iba ay kalat kalat na sa Visayas at Luzon.
Paliwanag ni Datuin mas maraming nabibiktima ng pangongotong sa Eastern Mindanao kaya mas mataas ang kanilang bilang sa lugar.
Sinabi ni Datuin, quarterly ay mayroong silang validation na ginagawa at posible aniyang mas dumami pa o nabawasan pa ang mga ito.
Ngayong buwan ng Marso muling maglalabas na updated numbers ng NPA ang AFP base kanilang intelligence gathering.