Kumpanya ng DOLE para mahinto ang child labor, mas pinaigting

Manila, Philippines – Pinalakas ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kanilang pagbabantay sa mga business establishments upang mahinto na ang child labor pagdating ng taong 2025.

Ayon kay DOLE Planning Service Director Adeline De Castro, masusi silang nakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan hanggang sa mga barangay.

Nabatid kais na nasa isang milyong kabataan ang kanilang layon na mapalaya mula sa child labor lalo na iyong mga nasa sektor ng agrikultura at pagmimina.


Sinisiguro naman ng mga inspection team ang pagsunod ng mga establisiyemento sa ibat-ibang panuntunan at ipinapaala na kasama sa batas ang pagbabawal sa child labor.

Facebook Comments