Ayon kay Jhay-ar Galabayo, inabisuhan umano nila ang kanilang mga kliyente tungkol sa gaganaping bidding ng LTO sa Lungsod ng Cauayan upang makuha muli ang mga na-impound na motorsiklo na hindi pa nila na fully paid.
Aniya, kapag nakuha nila ang limang yunits ay wala ng proproblemahin ang kanilang mga kliyente dahil matatapos na rin ang kanilang kontrata sa pagbabayad.
Samantala, kung hindi naman nila kaya ang presyo ng kanilang mga units na naisali sa bidding ay hindi na lamang nila ito babawiin.
Karamihan kasi sa mga sinubasta ay nagkakahalaga ng nasa mahigit P20,000.
Dagdag pa niya, nasa halagang 10K pababa lamang ang kanilang budget na kayang ibili sa bawat unit.
Samantala, kung mababawi nila ang limang motorsiklo ay hindi na nila ito ibebenta bagkus ay dadalhin na sa kanilang main office sa Maynila.