Kumpanya ng wing van na nasangkot sa malagim na aksidente sa Mindanao-Congressional intersection, nakipag-areglo na sa pamilya ng mga biktima

Nakipag-areglo na ang kumpanya ng wing van na may kargang sako-sakong harina sa mga pamilya ng mga nasawi sa nangyaring aksidente sa Mindanao-Congressional Avenue intersection sa Quezon City kahapon.

Ayon kay Quezon City Police District–Traffic Enforcement Unit Chief PLtCol. Geoffrey Lim, hindi na magsasampa ng reklamo ang mga kaanak ng mga biktima laban sa kumpanya.

Samantala, sumailalim naman sa alcohol test ang driver kung saan nagnegatibo ito, habang hinihintay pa ang resulta ng drug test.

Kalaunan, pinalaya na rin ang driver ng truck matapos ang kasunduan sa pagitan ng kumpanya at ng mga biktima.

Facebook Comments