Tuesday, February 3, 2026

Kumpanya ni Manny Villar na inireklamo ng SEC ng market manipulation at iba pa sa DOJ, handang makipagtulungan sa imbestigasyon

Itinanggi ng negosyante at dating senador na si Manny Villar ang mga alegasyon sa reklamong inihain sa kanilang kumpanya ng Securities and Exchange Commission.

Sa isang pahayag, sinabi nito na hindi pa natatanggap ng kanilang kumpanyang Villar Land Holdings Corporation ang kopya ng reklamong inihain ng SEC sa Department of Justice.

Ayon kay Villar, noon pa man ay handa silang makipagtulungan sa fact-finding investigation na isinasagawa ng SEC kasabay ng pagtanggi na nasangkot sila anumang iligal na layong linlangin ang customers at mga mamumuhunan.

Sa ngayon ay handa raw ang kumpanya na sagutin ang mga alegasyon sa tamang forum.

Sinampahan ng kasong kriminal ng SEC ang Villar Land kanilang ang mga opisyal at iba pang mga may kaugnayan dito dahil sa alegasyon ng market manipulation, insider trading at hindi tamang disclosures na nagresulta sa pagtaas ng shares ng kumpanya.

Batay sa 2024 financial statements ng Villar Land, mayroon silang P1.33 trillion total assets at net income na halos P100 billion pero lumabas na nasa P35.7 billion lamang ang total assets ng kumpanya.

Una nang sinabi ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon na pag-aaralan pa ito ng panel bago masabi kung kailangan nang magsagawa ng preliminary investigation sa reklamo.

Facebook Comments