Kumpanyang Converge, pinasosolusyunan agad ang mga patong-patong na reklamo

Kinalampag ni Committee on Public Information Vice Chairman at Quezon City Rep. Alfred Vargas ang fiber internet company na Converge ICT Solutions Inc. na solusyunan na agad ang patong-patong na reklamo ng kanilang mga subscribers.

Napuna ng kongresista na napakarami nang nagrereklamo sa hindi maayos na serbisyo at mabagal na pagtugon ng customer relations ng Converge sa mga complaints ng mga subscribers.

Aniya, maging siya na isa rin sa mga customers ay hindi rin nakalusot sa poor internet service at napakabagal na pagaksyon ng kumpanya.


Tinukoy ng mambabatas ang kahalagahan ngayong pandemya ng maayos na serbisyo ng internet lalo na sa distance learning ng mga mag-aaral at mga empleyado na naka-work from home.

Mahalaga rin aniya na mabatid ng Converge na bukod sa pag-i-invest sa imprastraktura at teknolohiya ay importante rin ang pagkakaroon ng maayos na customer service na siyang agad na tatanggap at magbibigay aksyon sa reklamo ng mga subscribers.

Pinaalalahanan din ni Vargas ang Converge maging ang ibang internet service providers na tratuhin ng patas ang mga customers at iwasan ang pagbibigay ng special treatment sa mga high-profile clients.

Facebook Comments