Manila, Philippines – Handang makipagtulungan ang R&E Transport Inc, ang kumpaniyang nagmamayari ng taxi na di umano’y hinoldup ni Carl Angelo Arnaiz, sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng kaso.Ito ang sinabi ni Pedro Lanuza, Presidente ng Taxi Union ng R&E Transport.
Ayon kay Lanuza, noong Lunes pa nila huling nakitang pumasada si Tomas Bagcal at mula noon ay hindi na rin nila alam kung nasaan ito, at hindi na rin macontact.
Base sa daily time record, si Bagcal ay nag-report sa trabaho noong August 17, ganap na 4:22 ng hapon, at bumalik sa garahe ng R&E sa Baesa, Caloocan noong August 18, 9:05 ng umaga.
Nai-report din aniya ni Bagcal ang nangyaring panghoholdap sa kanya sa bahagi ng C3 kung saan sinabi nito na isang suspect lamang ang nang-holdup sa kaniya.
Kasalukuyan ngayong nananatili sa National Bureau of Investigation ang taxi na may plakang UWK 620 upang maproseso.