Kumpensasyon para sa hog raisers sa Central Luzon na apektado ng African Swine Fever, naibigay na ng DA

Naibigay na ng Department of Agriculture (DA) ang kumpensasyon sa mga hog raisers sa Central Luzon na kusang nagpatay at naglibing ng alagang baboy dahil sa African Swine Flu (ASF).

Ayon sa DA, mahigit 700 hog raisers mula sa munisipalidad ng San Ildefonso, Bulacan ang nakatanggap na ng tseke.

Bukod sa indemnity payment, namahagi rin ang DA- Central Luzon ng mga alagaing kambing at baka bilang suporta sa mga affected farmers sa ilalim ng ASF Rehabilitation Program.


Isusunod na ang pagbibigay ng kabayaran sa mga hog raisers sa Cabanatuan, Nueva Ecija, San Jose, Nueva Ecija at Bataan.

Facebook Comments