KUMPETISYON | Kauna-unahang paligsahan ng mga explosive ordinance division at K9 group ng PNP at AFP, isinasagawa sa Camp Crame

Manila, Philippines – Upang matukoy ang kakulangan ng Explosive Ordnance Division at K9 group ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines isang paligsahan ang inorganisa ng PNP.

Ayon kay Supt. Reynaldo Helaga ang deputy chief ng K9 operation ng explosive ordnance division 45 limang team ang nakiisa sa paligsahan.

Ito ay mula sa National Capital Region Police Office, PNP Aviation Security Group, PNP Special Action Force, Philippine Marines, Philippine Army, at Philippine Airforce.


Bawat team aniya ay isang aso at isang handler at pinakamaraming team na sumali ay mula sa regional mobile batallion ng NCRPO.

Hanggang mamayang alas singko pa ang paligsahan, sa resulta matutukoy ang unit na may pinakamagaling magsanay ng K9.

Facebook Comments