KUMPIRMADO | 19 na bagong kaso ng leptospirosis, naitala ng DOH

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na may 19 na bagong kaso ng leptospirosis na ipina-admit sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI).

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, mula nitong huling linggo ng Hulyo, nakatanggap na sila ng 97 kaso at dagdag ang 19 na kaso mula sa NKTI.

Nakapagtala rin sila ng pitong leptospirosis cases sa Dagulan, Pangasinan dahil sa malawakang pagbaha.


Aminado si Domingo na tumaas ang kaso ng leptospirosis ngayon kumpara sa mga nagdaang tao pero tiniyak niya na nakahanda ang ahensya, sa tulong na rin ng mga local government agencies na tugunan ang pangangailangan ng mga pasyente.

Paalala ng DOH sa publiko na ugaliing magtungo at magpakonsulta sa ospital o klinika sakaling naglakad o sumuong sa tubig baha.

Facebook Comments