KUMPIRMADO | 2 mahistrado ng Korte Suprema, tinanggap ang nominasyon para sa pagiging CJ

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na tinanggap na nina Associate Justices Lucas Bersamin at Diosdado Peralta ang kanilang nominasyon para makasama sa mga pagpipiliang maging bagong chief justice.

Kasama sina Bersamin at Peralta sa limang pinaka-senior na mahistrado ng Korte Suprema na may automatic nomination alinsunod sa tradisyon ng korte.

Kabilang rin rito sina acting Chief Justice Antonio Carpio at Associate Justices Teresita Leonardo de Castro at Presbitero Velasco Jr.


Pero nagsumite na si Carpio sa JBC ng sulat ng pagtanggi niya sa nominasyon.

Una nang sinabi ni Carpio na ayaw niyang makinabang sa desisyon ng korte sa pagpapatalsik kay dating Chief Justice Ma. Lourdes Sereno sa pamamagitan ng quo warranto proceedings.

Kahit automatically nominated, sa Agosto na magreretiro si Velasco habang sa Oktubre naman si De Castro.

Facebook Comments