KUMPIRMADO | CGMA, magreretiro na pagkatapos ng kanyang termino sa Kamara

Manila, Philippines – Kinumpirma ni House Speaker Gloria Arroyo na plano na niyang magretiro oras na magtapos na ang kanyang termino bilang Pampanga Congresswoman sa 2019.

Ito ang sinabi ni Arroyo sa gitna ng mga ulat na posibleng maluklok siya bilang Prime Minister oras na itatag ang Federal Form of Government.

Ayon kay Arroyo, wala na siyang balak tumakbo para sa anumang posisyon sa 2019 midterm elections.


Kampante naman aniya siyang magiging maayos ang trabaho ng mga bagitong mambabatas sa oras na ipasa sa kanila ang liderato ng kamara.

Facebook Comments