KUMPIRMADO | CJ Sereno, balik na sa trabaho

Manila, Philippines – Balik trabaho na si Supreme Court Chief Justice on leave Maria Lourdes Sereno ngayong araw matapos ang mahigit dalawang buwang bakasyon.

Kinumpirma mismo ng tagapagsalita ni Sereno na si Atty. Jojo Lacanilao na pumasok na sa kanyang opisina ang punong mahistrado kaninang alas 7:30 ng umaga.

Bago ito, tumawag si Sereno kay acting Chief Justice Antonio Carpio kaninang umaga at nag-abiso itong magrereport sya sa trabaho.


Si Sereno ay nag-hain ng indefinite leave sa kanyang pwesto umpisa noong March 1, 2018, alinsunod sa naging concensus ng Mayorya sa mga mahistrado ng Korte Suprema sa kanilang deliberasyon noong February 27, 2018.

Sa interview ng RMN Dzxl Manila sa legal expert na si Integrated Bar of the Philippines Vice Chair. Atty. Domingo Egon Cayosa, sinabi niya na wala itong nakikitang balakid sa pagbabalik ni Sereno sa kanyang pwesto dahil hindi pa naman ito na tanggal sa-impeach.

Ang muling pagtuntong ni Sereno sa Korte Suprema ay mangyayari dalawang araw bago ang nakatakdang botohan ng Supreme Court en banc sa Biyernes sa quo warranto case na inihain ng Office of the Solicitor General laban kay Sereno.

Facebook Comments