KUMPIRMADO | Commission on Appointments, kinumpirma si Sheriff Abas bilang bagong COMELEC Chairman

Manila, Philippines – Lusot na sa Commission on Appointments (CA) bilang bagong chairman ng Commission on Election (COMELEC) si Sheriff Abas.

Pinalitan ni Abas si dating COMELEC Chairman Andres Bautista na nagbitiw sa pwesto dahil sa nakaambang impeachment complaint at senate inquiry.

Nabatid na si Abas ang kauna-unahang COMELEC Chairman na Muslim, mula sa Mindanao at ang pinakabata sa edad na 39.


Pamangkin siya ni MILF Chief Negotiator Mohaqer Iqbal.

Sa pagsalang niya sa CA, nangako si Abas na isusulong ang pagkakapantay-pantay sa COMELEC.

Facebook Comments