KUMPIRMADO | Dating Pangulong Noynoy Aquino, dadalo sa senate hearing hinggil sa isyu ng Dengvaxia

Manila, Philippines – Tiniyak ni dating Pangulong Noynoy Aquino na dadalo siya sa pagdinig ng senado kaugnay ng dengue vaccine na Dengvaxia.

Sa kanyang text message sa media, sinabi ni Aquino na umaasa siya na magiging mas malinaw ang talakayan sa usapin at magbibigay-daan ito sa naaayon na aksyon.

Maliban kay PNoy, dadalo rin sa pagdinig ang kanyang dating executive secretary na si Pacquito ‘Jojo’ Ochoa Jr.


Tiniyak naman ni Senador Richard Gordon, Chairman ng blue ribbon committee, na rerespetuhin nila ang dating pangulo at ang kanyang gabinete sa kanilang pagdalo sa pagdinig.

Facebook Comments