KUMPIRMADO | DFA kinumpirmang walang Pinoy casualties sa Lion Air plane crash

Nagpaabot na ng pakikiramay at simpatya ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Indonesia matapos mag-crash ang Lion Air 737 aircraft sa karagatang sakop ng Jakarta.

Matatandaang bumagsak ang eroplano sakay ang 188 passengers and crew members makaraang mag-take off mula sa Jakarta patungo sa Pangkal Pinang, isang isla din sa Indonesia.

Kasunod nito kinumpirma ng DFA na walang Pinoy casualties sa nasabing insidente base na rin sa flight manifest ng eroplano.


Sinabi naman ni Ambassador to Indonesia Lee Hiong Wee na agad nakipag-ugnayan ang Philippine Embassy sa Indonesian National Search and Rescue Agency maging sa Ministry of Foreign Affairs matapos ang maganap ang insidente.

Sa ngayon 6 na mga katawan pa lamang ang nare-recover ng search & retrieval teams.

Facebook Comments