KUMPIRMADO | DOJ, kinumpirma ang pagpayag ng korte sa pagdalo ni Zaldy Ampatuan sa kasal ng kanyang anak

Kinumpirma ng Dept of Justice ang pagpayag ng Quezon City RTC kay dating ARMM Gov. Zaldy Ampatuan na makadalo sa kasal ng kanyang anak kagabi

Si Ampatuan ay isa sa mga pangunahing akusado sa Maguindanao massacre case.

Kagabi tatlong oras na inilabas sa piitan si Ampatuan para dumalo sa kasal ng anak na babae sa Sofitel Hotel sa Pasay City at ibinalik din agad sa kulungan makaraan ang tatlong oras.


Nilinaw naman ni Justice sec. Menardo Guevarra na mahigpit sana ang naging pagtutol ng DOJ prosecutos subalit pinagbigyan ito ni Judge Solis-Reyes ng QC RTC Branch 221, for humanitarian reasons

Una nang umalma ang National Union of Journalists of the Philippines sa pansamantalang paglabaa ng piitan ni Zaldy Ampatuan.

Facebook Comments