KUMPIRMADO | Engineer ng DPWH, dinukot ng armadong grupo sa Sulu

46

Sulu – Sapilitang tinangay ng hindi pa matukoy na armadong grupo ang isang inhinyero sa sa Jolo Sulu kahapon ng umaga.

Ito ang kinumpirma ni ARMM Spokesperson Police Senior Inspector Jemar Delos Santos.

Aniya alas-8:00 ng umaga kahapon ng makatanggap sila ng ulat na dinukot amg inhinyerong si Enrico Nee 61 anyos nakatira sa Upper San Raymundo Jolo Sulu na nagta-trabaho sa Department of Works and public highways o DPWH.

Sa inisyal nilang imbestigasyon, alas -8:00 ng umaga kahapon paalis na sa kanilang bahay ang biktima ng dukutin ng mga suspek.

Agad na nagsagawa ng hot pursuit operation at checkpoint operation ang tropa ng militar at pulisya sa lugar para mailigtas ang biktima.

Tiniyak naman ni PNP Regional Director Police Chief Supt Graciano Mijares na patuloy ang kanilang pagtutok sa insidente para mailigtas ang bihag.

Facebook Comments