KUMPIRMADO | Kerwin Espinosa at Peter Lim, nagkita sa Thailand noong 2015

Manila, Philippines – Kinumpirma ng testigong si Marcelo Adorco na kasama siya ng pamilya ni Kerwin Espinosa nang magtungo ang mga ito sa Thailand noong 2015

Aniya, doon din nagkita sina Kerwin at Peter Lim.

Sinabi ni Adorco na Sa Eurotel Hotel sila tumuloy sa Thailand, at pinuntahan naman nila si Peter Lim na noon ay sakay ng isang puting luxury van.


Nasaksihan at narinig din daw niya ang naging pag-uusap noon nina Kerwin at Peter Lim dahil kasama siya sa loob ng sasakyan at nakaupo lamang sa likuran ng dalawa.

Si Adorco ay dating tauhan ni Kerwin at testigo ngayon ng PNP-CIDG sa drug case nina Espinosa, Lim , Peter Co at iba pang respondents.

Una na ring kinumpirma ni Adorco na si Peter Lim ang nagsu-supply ng shabu kay Kerwin.

Facebook Comments