KUMPIRMADO | Malacañang, kinumpirma ang paglapag ng isang Chinese plane sa Davao City

Davao City – Kinumpirma ng Malacañang ang muling paglabag ng isang Chinese plane sa Davao City noong June 23.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nag-refuel lamang ang Chinese military aircraft na namataan sa Davao City na una na ring lumapag doon noong Hunyo 8.

Aniya, nakumpleto naman ang lahat ng mga lisensya, permits na kailangan bago lumapag ang naturang eroplano at nasunod din ang lahat ng protocols para rito.


Ito na ang ikalawang beses ng paglapag ng Chinese military aircraft sa Davao International Airport sa loob ng tatlong linggo.

Facebook Comments