KUMPIRMADO | Malakas na pagsabog sa Sultan Kudarat terrorist attack ayon sa PNP

Kagagawan ng teroristang grupo ang naganap na malakas na pagsabog sa Isulan Sultan Kudarat kagabi.

Ito ang kinumpirma ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde.

Ayon kay Albayalde mayroon ng grupo ang ang nag-ako ng pagsabog na ngayon ay patuloy nilang iniimbestigahan.


Isa sa pinaghihinalaan nilang grupo ay ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF).

Tiniyak naman ni Albayalde na mananatili ang red alert status sa Mindanao upang hindi na muling maisahan ng mga kalaban.

Habang naka-heightened alert na aniya ang Metro Manila paghahanda upang mapigilan ang planong pagpapasabog ng mga terrorist group.

Sa huling ulat ni Albayalde, dalawa na ang nasawi habang 35 ang sugatan matapos ang pagsabog kagabi sa Isulan Sultan Kudarat habang nagdiriwang nang kabilang pyesta.

Facebook Comments