Manila, Philippines – Kinumpirma ni NCRPO Director Oscar Albayalde ang presensya ng mga miyembro ng Maute Group sa Metro Manila gayundin ng kaanak ng mga ito.
Sa pagtatanong ni Metro Manila Development Committee Chairman Winston Castelo, sinabi ni Albayalde na patunay nito ang pagkakaaresto sa Quezon City ng isang miyembro ng Maute Group.
Tukoy na din aniya ng pulisya ang mga kaanak ng Maute members at isinailalim na nila ito sa profiling pero lumalabas na ang mga ito ay mga lehitimong negosyante.
Tiniyak naman ni Albayalde na sa kabila ng presensya ng Maute members ay ligtas pa din ang Metro Manila.
Lalo rin aniya nilang pinalakas ang kanilang intelligence gathering at ang police visibility sa mga matataong lugar gaya ng malls, MRT at LRT stations.