KUMPIRMADO | Nasawing emir ng Maute ISIS sa Southeast Asia na si Isnilon Hapilon, may kapalit na – AFP

Manila, Philippines – May bago na ngayong Emir ng ISIS sa Southeast Asia kapalit ng nasawing si Isnilon Hapilon.

Ito ang kinumpirma ni Major Ronald Suscano, tagapagsalita ng 1st Infantry Division ng Philippine Army.

Aniya ito ay sa katauhan ni Abu Dar na tubong Maranao, ang mga magulang nito ay taga-Lanao Del Sur.


Tantya ng militar nasa edad 40 na ang bagong emir ng Maute ISIS.

Sa impormasyong nakuha ng militar si Abu Dar ang nagtatago ngayon ng pondo ng grupo na kanyang napuslit mula sa Marawi noong panahon ng giyera.

Sa monitoring naman ng militar nasa 313 ang remnants o natitirang miyembro ng Maute ISIS sa Marawi pero naman matukoy ng militar kung ilan na sa bilang na ito ang nakalabas na ng Mindanao.

Facebook Comments