KUMPIRMADO | Pagkakaaresto ng higit 10 OFW sa Saudi Arabia matapos dumalo sa isang party, kinumpirma

153

Kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) na may ilang OFW ang inaresto dahil sa pagdalo sa isang party sa Riyadh, Saudi Arabia.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III – sinabi sa kanya ni Labor Attache Nasser Mustafa na may 17 OFW ang hinuli dahil sa pagpunta sa party.


Nilinaw din ng kalihim na hindi organizers ng party ang mga nahuling Pilipino.

Inatasan na niya ang kanyang mga opisyal sa Riyadh na bantayan ang sitwasyon.

Facebook Comments

From Advertisers