KUMPIRMADO | Pamahalaan at isang pribadong kumpanya sa Israel inaasahang magsasagawa ng oil exploration sa Palawan

501

Kinumpirma ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na inaasahang lalagdaan ngayon ang isang joint exploration agreement sa pagitan ng Pilipinas at ng isang pribadong oil company sa Israel.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, mamayang hapon oras dito sa Israel ay inaasahang magkakasundo ang Ratio Oil Exploration Limited at ang pamahalaan sa pangunguna ni Energy Secretary Alfonso Cusi.

Gagawin naman ang exploration sa bahagi ng Palawan pero wala pang ibang detalye na ibinigay si Roque sa nasabing kasunduan.

Kaugnay niyan ay hindi din naman makumpirma ni Roque kung magkakaroon ba ng Arms deal ang pamahalaan at ang Israel dahil wala pa naman sa Schedule ni Pangulong Duterte ang nasabing issue.

Facebook Comments