Manila, Philippines – Kinumpirma na ng Palasyo ng Malacañang na nagbitiw na nga sa posisyon si Philippine Charity Sweepstakes Office Chairman Jose Jorge Corpuz.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, irrevocable resignation ang ibinigay ni Corpuz at health reasons ang idinahilan nito kaya ito nagbitiw sa posisyon.
Sinabi din ni Roque na ayaw isapubliko ni Corpuz ang kanyang resignation letter dahil nakasaad doon ang kanyang health condition.
Matatandaan na si Corpuz at si PCSO General Manager Alexander Balutan ang inaakusahang opisyal ng Pamahalaan na opisyal ng PCSO na nasa likod ng magarbong Christmas party ng tanggapan na umabot umano sa 6 na milyong piso.
Nilinaw din naman ni Roque na hindi si Corpuz ang sinasabi ni Pangulong Duterte na sisibaking Chairman ng isang tanggapan ng pamahalaan.