Manila, Philippines – Kinumpirma ni Special Assistant to the President Bong Go na hindi personal na haharapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga raliyista sa kanyang State of the Nation Address (SONA).
Matatandaang noong nakaraang taon, pagkatapos ng kanyang SONA ay hinarap ni Duterte ang mga raliyista na nagpahirap sa mga pulis sa pagbabantay sa Pangulo.
Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde – naglatag na sila ng mga hakbang sakaling magbago ang isip ng Pangulo at kausapin ang mga raliyista.
Para kay Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Secretary General Renato Reyes – walang problema sa kanilang kung hindi sila haharapin ng Pangulo.
Tiniyak naman ni Reyes na gaya aniya noong nakaraang taon, magiging mapayapa at maayos din ang mga kilos-protesta.