KUMPIRMADO! | Suspek sa pagpatay sa isang OFW sa Saudi hawak na ng mga otoridad

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hawak na ng mga otoridad sa Saudi ang itinuturong suspek sa pagpatay sa isang Overseas Filipino Worker (OFW).

Ayon kay Philippine Consul General Edgar Badajos ang lalakeng suspek ang huling nakitang kasama ng OFW bago ito nakitang walang buhay sa isang hotel sa Jeddah noong Sabado.

Sinabi pa ni Badajos na inaasahang ilalabas ng mga otoridad ang resulta sa autopsy ng mga labi ng Pinay OFW pagkatapos ng Eid holiday sa susunod na linggo.


Sa inisyal na impormasyon 3 araw na nawala ang OFW bago ito natagpuang patay.

Unang dumating ang OFW sa Saudi noong 2007 bilang isang household service worker.

Facebook Comments