Binigyang diin ng Department of Agriculture (DA) na limitado lamang ang African Swine Fever sa ilang lugar sa Bulacan at Rizal at hindi ito makakaapekto sa buong Hog Industry.
Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, ang ASF ay limitado lamang sa Barangay Pritil sa Guiguinto, Bulacan, at sa ilang Barangay sa Rodriguez, San Mateo, at Antipolo, Rizal.
Iginiit din ng kalihim, na ang mga insidenteng ito ay ikinukunsiderang outbreak at hindi pa epidemic.
Nasa two-thirds o 65% ng Swine Industry ay nagmumula sa mga maliliit na backyard raisers.
Tiniyak din ng DA na ang ASF sa Bulacan at Rizal ay kontrolado at hindi ito makaka-apekto sa supply at presyo ng baboy.
Sa ngayon, ang mga lugar na malapit sa ASF-Infected Barangay sa Rizal at Bulacan ay patuloy na binabantayan sa pamamagitan ng mahigpit na biosecurity at quarantine measures.