KUMPIRMADONG KASO NG ASF, NAITALA SA BALAOAN, LA UNION

Kinumpirma ng Department of Agriculture Regional Office 1 ang ilang kaso ng African swine fever o ASF sa Brgy. Almeida, Balaoan, La Union.

Dahil dito, kasado na ang pagpapatupad ng ‘Bantay ASF sa Barangay’ Progam upang mapigilan ang pagkalat ng sakit sa iba pang barangay.

Kasabay nito ang kautusan mula sa lokal na pamahalaan ng istriktong protocol sa pagkakatala ng ASF tulad ng pagbabantay sa galaw ng mga ibinebentang pork meat products sa bayan, voluntary blood test sa mga baboy na pasok sa 500-meter radius mula sa ground zero at ang tigil sa paggalaw ng baboy sa loob ng labing apat na araw.

Ipapakalat din ang mga opisyal at tanod sa mga barangay upang magsagawa ng checkpoint at surveillance.

Abiso naman ng tanggapan ang pagsunod ng publiko partikular sa mga magbababoy upang magtulungang mapigilan ang pagkalat ng ASF na makakaapekto sa hog industry. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments