Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, pumalo na sa 29,400

Pumalo na sa 29,400 ang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ito’y matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 943 na bagong kaso.

Sa tala ng DOH, ang 578 na kaso ay base sa test results na inilabas sa mga pasyente sa nakalipas na tatlong araw.


Habang ang 365 naman na kaso ay batay sa test results na inilabas sa nakalipas na apat na araw o higit pa.

Mula sa naitalang fresh cases, 218 dito ay sa National Capital Region (NCR), 296 ay mula sa Region 7 at 64 sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sa mga late cases naman, 60 dito ay naitala sa NCR, 147 ay galing sa Region 7 at 158 sa iba pa.

Dalawampu naman ang nadagdag sa mga nasawi na sumampa na sa 1,150.

Nadagdagan naman ng 272 ang mga gumaling sa sakit na umakyat na sa 7,650.

Nasa 19,951 ang active cases kung saan 479 o 2.4% ang asymptomatic, 19,390 o 97.2% ang mild, 63 o 0.3% ang severe, at 19 o 0.1% ay nasa critical condition.

Facebook Comments