Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa hanay ng PNP, halos 42,000 na!

Umakyat na sa 41,806 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Batay sa datos ng PNP Health Service, 36 bagong kaso ng sakit ang naitala kung saan 520 ang active cases.

Nakapagtala naman ng 54 gumaling sa sakit para sa kabuuang 41,163 recoveries.


Sa ngayon, nananatili sa 123 ang bilang ng mga nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Facebook Comments