Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Maynila, patuloy na tumataas

Umaabot na sa 379 ang kumpirmadong kaso ng mga residente Lungsod ng Maynila na positibo sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 matapos magtala ng Manila Health Department (MHD) ng 11 karagdagang mga kaso.

Base rin sa datos ng Manila Health Department, 395 na mga residente ang maituturing na ‘probable’ at 87 ang kasalukuyang ‘suspect’ na mayroong COVID-19 sa lungsod.

Nasa 36 na ang mga naka-rekober at 47 naman ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19.


Pinakamarami pa rin naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay sa area ng Samapaloc na nasa 86 ang bilang, 90 ang probable at 20 ang suspect sa naturang sakit.

Muling umaapela ang Lokal na Pamahalaan ng Maynila sa mga residente na manatili sa loob ng kanilang tahanan, sumunod sa pinapairal na Enhanced Community Quarantine (ECQ) at makinig sa abiso ng kinauukulan upang hindi na lumaganap pa ang COVID-19.

Facebook Comments