Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pasay City, patuloy na tumataas

Muling nadagdagan ng 15 panibagong kaso ng COVID-19 ang lungsod ng Pasay.

Dahil dito, pumalo na sa 1,179 ang bilang ng kumpirmadong kaso sa lungsod base sa datos ng Pasay City Epidemiology and Disease Surveillance Unit.

Umaabot naman sa 250 ang probable cases habang 41 na ang suspected cases.


Nasa 45 na mga residente ng Pasay City ang nasawi at aabot sa 575 ang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19.

Muling paaalala ng Pasay City Government sa publiko na manatili sa bahay, magsuot ng face mask kung kinakailangan lumabas ng bahay, pairalin ang physical distancing at ugaliing maghugas ng kamay.

Samantala, sinimulan ng lokal na pamahalaan ng Pasay City ang pamimigay libreng buto ng mga halamang pagkain bilang bahagi ng programang Urban Gardening.

Ang nasabing mga libreng buto ay handog ng Pasay Local Government Unit sa pamamagitan ng Pasay City Tourism Council at sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture – Bureau of Plant Industry (DA-BPI).

Sa iba pang mga residente na gusto rin ng libreng buto na maitatanim, maaaring tumawag sa (02) 8463-4557 o kaya sa 0977-3229552 at 0929-0464331.

Facebook Comments