Manila, Philippines – Malugod na tinanggap ng Malacañang ang pagkumpirma ng Commission on Appointments (CA) kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Roy Cimatu.
Si Cimatu ang ipinalit ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Sec.
Gina Lopez makaraang hindi makalusot sa CA ang appointment nito.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, kumpiyansa silang mapapangalagaan ni Cimatu ang kalikasan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng
environmental policies ni Pangulong Duterte.
Si Cimatu ay dating Army general at nagsilbing special envoy sa Middle East.
Facebook Comments