Kumpirmasyon ng NBI kaugnay sa tunay na pagkatao ni Alice Guo, mas magpapabilis sa pag-usad ng ligal na aksyon laban sa kaniya —OSG

Ibinahagi ni Solicitor General Menardo Guevarra na ang kumpirmasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na iisa sina Guo Hua Ping at Alice Leal Guo ay ang itinuturing nilang “breakthrough” sa kanilang imbestigasyon.

Ayon kay Guevarra, malaking tulong sa kanilang imbestigasyon ang kumpirmasyong ito dahil mas bibilis umano ang pag-usad ng kanilang legal action laban sa alkalde.

Kinumpirma ni Guevarra na mapapatalsik si Guo sa pwesto at hindi na makakatakbo pa sa anumang public office kapag naipanalo ng Office of the Solicitor General (OSG) ang kaso laban sa kaniya.


Samantala, sinabi naman ng opisyal na pinag-aaralan na ang kahihinatnan ng citizenship ni Guo sa oras na tuluyang makansela ang birth certificate nito.

Facebook Comments