Manila,Philippines – Tinapos na ng Commission on Appointments ang pagdinig nitokaugnay ng kumpirmasyon ni Gina Lopez bilang kalihim ng Department of Environmentand Natural Resources (DENR).
Sa pagdinig,binigyan ng pagkakataon ng CA si Lopez na sagutin ang mga puna ng FinanceDepartment tungkol sa ginawa nitong pagpapasara at pagsuspinde sa ilang miningcompanies sa bansa.
Nabatidna umabot sa 27 ang naghain ng oposisyon sa kumpirmasyon ng kalihim nakaramihan ay mula sa mining industries.
Sa ngayonayon kay Sen. Ping Lacson, isa sa mga miyembro ng ca committee on environmentand natural resources – hindi pa nila alam kung anong kahihinatnan ng magigingbotohan nila.
Hilingnaman ni Lopez sa CA, bigyan siya ng pagkakataon na makapagpatupad ng mgaprogramang mangangalaga sa kalikasan.
Samantala,pinabulaanan ni Senate President Koko Pimentel ang ulat na may ini-endorso naang PDP-laban kapalit ni Lopez.
Napabalitakasing itinutulak ng chapter ng partido sa CARAGA region ang appointment ngabogadong si Atty. Mark Tolentino sakaling hindi aprubahan ang kumpirmasyon ng DENRSecretary.
Kumpirmasyon ni DENR Sec. Gina Lopez, pagbobotohan ngayong araw
Facebook Comments