KUMPISKADO | 10 bilyong smuggled at pekeng kontrabando, Nadiskubre ng BOC sa QC

Manila, Philippines – Aabot sa higit 10.5 bilyong piso ang halaga ng mga smuggled at pekeng kontrabando ang nakumpiska ng Bureau of Customs sa tatlong bodega na sinalakay sa PTFC compound sa Marvex drive at A.Bonifacio Ave sa QC.

Sa pulong pambalitaan sa QC, sinabi ni Customs Commissioner Isidro Lapena, Ang pagsalakay ay ginawa ng mga tauhan ng BOC- Enforcement and Security Service matapos makatanggap ng isang tip mula sa isang impormante.

Kabilang sa mga sinamsam ng Customs ang may 8.5 bilyong pisong fake tax stamps, mga smuggled cigarettes, used clothings, imported rice at iba pang fake goods.


Ang tatlong warehouse ay pag-aari nina Franco Wong, Patriana Navarro Wong, Johnny So, Arlene Hung Cai, Hellos Hung,at Joyslyn Navarro Wong.

Bigo naman na maaresto ang mga may ari dahil wala sila sa pinangyarihang lugar ng gawin ang pagsakay.

Pero binigyan pa sila ng BOC ng pagkakataon na lumutang at patunayan na legal ang kanilang transaksyon.

Facebook Comments