Iloilo – Nakumpiska ng pinagsanib na pwersa ng Iloilo Police Provincial Office at Negros Occidental Police Provincial Office ang 18 milyong pisong halaga ng ilegal na droga o mahigit kumulang 1 kilong shabu sa Dumangas, Iloilo alas otso y medya nung linggo ng gabi.
Arestado sa buy bust operation ng otoridad ang mag live-in partner na sina Jose Alberto pinaga 32 taong gulang at Maebelle Belmonte 30 taong gulang pawang mga residente ng Brgy. Mambulac, Silay City Negros Occidental.
Ayon kay Iloilo Police Provincial Director Sr. Supt Marlon Tayaba, mula nakaraang linggo minanmanan na nila ang mga drug courier.
Mula Batangas, bumyahe ng roro ang maglive-in papunta sa pwerto ng dumangas at doon na inilunsad ng mga operatiba ang kanilang operasyon.
Ayon kay Tayaba, ibabyahe sana papuntang negros occidental ang nakumpiskang iligal na droga.
Sa isinagawang interrogation ng otoridad, isinawalat ni Jose Alberto pinaga ang pagkakilanlan ng kaniyang contact sa Negros Occidental na nagresulta sa follow-up operation ng Negros Occidental Police Provincial Office.
Alas singko ng madaling araw kahapon sa Mandalagan, Bacolod City naaresto Si Corazon Vergel, senior citizen at kilalang notoryus sa pagbebenta ng iligal na droga.
Nakuha kay Vergel ang 15 gramo ng shabu na may market value na 180 thousand pesos.
Nahaharap ang 3 naaresto sa kasong paglabag sa ra 9165 o dangerous drug act of 2002.